Alas dos y medya na pala ng madaling araw, heto't alive and kicking pa rin. Dahil sa pagiging adik sa tinierme hindi ko na namalayan ang oras. Kelangan ko pang gumising ng maaga bukas. Hay, may pasok nanaman... sana puro sabado't linggo lang ang nakalagay sa kalendaryo. Nakakatamad, nakakabadtrip pumasok. Maghapon nalang nakatunganga sa harap ng kompyuter, walang ginagawa. Kadalasan puro pagpapanggap, pag andyan si boss type-type sa keyboard kahit na wala namang tinatype, pag wala na maximize the facebook page lol! as in lol talaga. Ayoko rin naman ng ganung eksena sa araw-araw, mas gusto ko nga 'yong maraming ginagawa, 'yong tipong hindi ka na manananghalian kase kelangan matapos yun ginagawa mo, sa ganung mga araw parang ang bilis ng oras, parang kulang ang walong oras para matapos ang dapat tapusin.
Tinatamad akong pumasok pero naisip ko wala na nga pala akong pera. Kakasahod lang noong byernes pero heto't nangangamote nanaman ako. Nakakainis, bakit ba ang gastos ko? Galit ako sa pera! As in ayoko nang nakakakita ng pera. Kapag may laman na ang atm disposed agad. Ang siste takaw-tukso kase ako.
Bakit nga ba ang takaw takaw ko? Bakit ba ang daming tukso sa paligid ng Makati? Pagpasok sa umaga Coffeenomenon heto't parang hinihila ako papasok, nanunukso...Sige, halika Shin habang mainit pa ang Diable o creamy carbonarang paborito mo...ako naman, dahil sa mapusok, ayun wala pang alas-8 nakadispatsa na agad ng isang daan. Mag-iba man ako ng ruta, dumaan man sa Salcedo, haharangin naman ako ng Country Style, isang daan at sampu lagas plus 22 pesos na donut para makadaan papunta sa kabilang street sa likod ng building ng donut, no passerby allowed eh, parang tong lang. Para bang minamagnet ako, parang opposite poles kami ng lahat ng fast food chain at restaurant na madadaanan ko.
Ako yata si bahala-na-man, ewan, nagpapadala nalang ako kung san ako aanurin ng bukas. Kuntento na ko kung anong meron ako ngayon. Ano nga bang mas mabuti, ang maging kuntento sa kung anong meron ka o ang maghangad pa ng mas higit? Pangarap ko rin magkaroon ng magandang buhay. Karamihan sa mga kakilala kong babae inaaasa nalang ang magiging estado ng buhay sa taong makakasama nila, in short bahala na si mister-to-be. Iba naman ako sa kanila, wala pa akong balak mag-asawa, hindi dahil sa hindi ko pa nakikita si Mr. Right (echos!), kundi dahil sa wala pa akong naipupundar para sa sarili ko. Ayoko rin naman iasa sa 'kanya' ang magiging kinabukasan ko. Iba pa rin 'yun meron sya at meron din ako. Sa hirap ng buhay ngayon, maliban sa bawal magkasakit, bawal na rin ang hindi marunong mag-isip.
Kanina ang simula ng pagbabago. I am proud of myself kase for so many times that i've tried but so many times that I failed, finally, nakapag-open na rin ako ng sarili kong bank account. Not to boast but with the initial deposit of 20 kiaw, and 20 kiaw smiles hindi na rin masama. Sa tatlong taon kong pagtatrabaho ngayon ko lang naisip ang halaga ng pera. Sana magtuloy tuloy pa at maka-ipon pa ako ng maraming marami. What a feeling he he. Speaking of bawal magkasakit, palagay ko kelangan ko ng matulog kase ayoko naman sa doktor mapunta lahat ng ipon ko. Adios. Good morning Manila!
Emma Borden & Lizzie’s Lock of Hair
1 year ago
Hehehe :D Ako rin medyo magastos pero ngayon sa pagkain ako gumagastos ng sobra...
ReplyDeleteok lang kung sa pagkain mauubos ang pera kase sarili din natin ang makikinabang (as long as healthy un kinakain natin >.<)
ReplyDeletesalamat sa pagbisita :)